bakit noong bata pa ako, kinukwentuhan na ako ng mga fairy tales. bata pa lang ako tinuruan na akong mangarap, mangarap na magmahal. lumaki ako na may takot sa pag-ibig. siguro dahil 'di ako naniniwala doon. para lang syang kathang-isip sa aking pag-iisip. magulo, masalimuot, masakit sa dibdib. yun ang aking pag-kakaintindi sa pag-ibig.
ngayon, ako ay marunong ng umibig. parte pala ng pag-ibig yung masasaktan ka. bakit nuon ay hindi minulat sa akin ang sakit. walang nagturo sa akin kung ano nga ba yung sakit na yun. hindi ako naihanda sa pagharap sa sakit.
yung sakit na di mo mapaliwanag kung saan nagmula, kung kelan matatapos. yung parang vina-vacuum yung dibdib mo. yung parang sinisikil ang puso mo tapos ang hirap pang huminga. yung parang 'di na titibok yung puso mo at papangaraping matapos na lang yung sakit. yung hindi mo na alam ang gagawin mo dahil sa sakit.
ngayon alam ko na. ang sakit ay kaakibat ng pagmamahal. para syang sugal. maglalaro ka, may ipupusta. pero dapat ihanda ang sarili na hindi sa lahat ng panahon ay mananalo ka. meron ding mga pagkakataon na uuwi kang sawi at bigo. hindi mo na mababawi pa ang naiwala mo na.
pwede naman sigurong "mahal kita" kesa "mahal na mahal kita". kasi parang doble ang sakit kapag mahal na mahal. yung tipong papanawan ka na ng kulay sa mukha at iisiping sana mamatay ka na lang kasi an hirap ng indahin pa ang sakit.
baket pa kasi kailangang umibig? laging unfair.